Manila, Philippines – Nanawagan sa gobyerno ang isang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na imbestigahan ang mataas na presyo ng asukal.
Ayon kay SRA Board Member Emiliano Yulo, bumaba na ang farmgate price ng asukal na ngayon ay nasa P1,450 kada sako.
Kaya dapat nasa P50 kada kilo na lang aniya ang presyo ng asukal taliwas sa P54 hanggang P62 na presyo nito sa ilang pamilihan.
Kasabay nito, hiniling naman ng grupong laban konsyumer na napapanahon na para maglabas ng Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.
Ayon kay Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer, kailangan ng SRP lalo na at holiday season at madaming paggagamitan ng asukal.
Facebook Comments