NANAWAGAN | Medical cannabis, hindi dapat madaliin ang pagsusulong – DOH

Kasunod ng naging sagot ni Ms. Universe 2018 Catriona Grey kaugnay sa regulasyon ng medical marijuana, sinabi ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi dapat magpadalos-dalos sa pagsusulong ng medical cannabis.

Ayon pa sa kalihim, hindi sapat na batayan ang pagsang-ayon ni Catriona Grey sa pagsuporta sa medical use ng cannabis.

Hindi rin aniya batayan ang dami ng pumalakpak sa naging sagot nito.


Unang-una aniya, hindi naman eksperto si Grey sa medisina, kaya at makabubuti na maghinay-hinay muna sa pagsuporta sa medical cannabis, lalo na at nag-uumpisa pa lamang ang DOH na gumawa ng sariling pag-aaral sa epekto ng paggamit ng marijuana sa aspetong medikal.

Ayon kay Duque, bukod kasi sa priority ng pamahalaan na tiyaking ligtas ang mga gamot na ipakikilala sa merkado, tinitiyak rin nila na hindi na muling masasangkot sa kontrobersiya ang DOH.

Facebook Comments