NANAWAGAN | Mga call centers sa mga malls, gustong alisin – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Nananawagan ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na managot ang employer ng mga nasawi sa nasunog na mall sa Davao City.

Ayon sa ALU-TUCP, naiwasan sana ang mga insidente kung sumunod lang ang kumpanyang Research Now SSI sa occupational safety standards ng gobyerno.

Nanawagan din ang organisasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) na alisin ang mga call centers sa mga mall.


Dapat ay magkaroon ito ng sarili nitong gusali para sa 24-oras na operasyon.

Iniimbestigahan na ng DOLE at NBI ang insidente.

Facebook Comments