Manila, Philippines – Nanawagan ang mga OFW Contractor sa Palasyo ng Malakanyang na huwag makialam ang ilang mga Gabinite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng mga problema ng OFW Contractor kung saan maraming mga Laborers nila ang hindi nabayaran kaya sila nagreklamo sa DOLE.
Nais ng mga OFW Contractors na bayaran ng Trans Asia ang kanilang obligasyon sa kanilang Sub Contractor na umaabot sa 500 milyong piso
Magkagayunman Dismayado ang OFW Contractor dahil sa ngayon ang nagrerepresenta sa Trans Asia Contruction and Devt. Corporation ay ang Law Firm nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Menardo Guevarra
Ayon kay Atty Charlie Pascual abogado ng mga OFW Contractor na nagrereklamo hindi aniya makatwiran na magrepresenta ang Law Firm nina Medialdea at Guevarra sa naturang sigalot lalo at humihingi sila ng tulong sa presidente para maresolba ang problemang ito at mabayaraan ang mahigit 3 libong manggagawa na hindi binayaran ng Trans Asia
Umaasa si Atty. Pascual na kakatigan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naaagrabyadong mga OFW Contractor matapos silang ipatawag ng kalihim uoang liwanagin ang naturang isyu.