NANAWAGAN | Mga senador, hinikayat ang mga Pilipino na makipagtulungan para makamit ang tunay na kalayaan

Manila, Philippines – Nananawagan si Senator Richard Gordon sa mamamayang Pilipino na magtulungan para makamit at mapanatili hanggang sa susunod na henerasyon ang tunay na Kalayaan na ipinaglaban ng ating magigiting na bayani.

Apela naman ni Senador Koko Pimentel sa publiko tiyakin ang suporta sa nation-building at sumuporta sa pagsusulog ng federalism na syang daan para sa pantay o patas na pag-unlad ng bawat rehiyon sa bansa.

Umaasa naman si Senadora Grace Poe na maging inspirasyon ang kabayanihan ng mga nauna sa atin para magsikap tayong ipagtanggol at itaguyod ang mga kalayaan at karapatang binayaran ng ating mga ninuno ng sarili nilang pawis at dugo.


Si Senador Joel Villanueva ay hinikayat naman ang lahat na maging modernong bayani na magsisikap at magtutulungan para sa kapakanan ng kapwa natin Pilipino at kaunlaran ng ating inang bayan.

Tiwala naman si Senador Sherwin Gatchalian na taglay nating mga Pilipino ang katapangang ipinamana ng ating mga ninuno kaya lahat ng pagsubok ay ating malalampasan.

Facebook Comments