Manila, Philippines – Nanawagan ang mga Senador na isuspinde ang ikalawang pagtaas sa buwis na ipinapataw sa produktong petrolyo sa January 2019 na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Diin ni Senator JV Ejercito, malinaw sa TRAIN Law na pwedeng suspendehin ang pagtaas ng buwis sa langis kapag pumalo na sa mahigit 80-dollars ang presyo kada bariles ng petrolyo sa world market.
Idinahilan din ni Ejericto ang inflation rate na nasa 6.7 percent na ngayon at posibleng tumaas pa.
Sabi naman ni Senator Ralph Recto na naging kalihim din ng National Economic and Development Authority o NEDA, bukod sa pagtaas ng buwis sa petroleum prodcuts ay posibleng itaas din ng bangko sentral ang intrest rates na magiging pabigat din sa mamamayan.
Bukod kina Recto at Ejercito ay naging mariin din ang apela ng mga Senador na kasapi ng minorya na huwag munang ituloy ang ikalawang bugso ng pagtaas ng buwis sa langis sa susunod na taon.