Manila, Phillipines – Humirit na rin sa Social Security System (SSS) ang Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) na bigyan na rin ang kanilang miyembro ng pension loan.
Ayon kay FSCAP President Jorge Banal Sr., malaki ang maitutulong nito sa financial needs ng mga pensioners tulad ng pambili ng gamot, bitamina at pang araw-araw na gastusin.
Aniya , kapag nagkaroon ng SSS pension loan ay matitigil na rin ang tumataas na bilang ng mga pensioners na nagiging biktima ng loan sharks na nagpapautang na sobrang taas ang interes rate.
Sinabi naman ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc , nauunawaan ng SSS ang lumalaking pangangailangan ng mga pensyonado at pinag-iisipan na ng Social Security Commission ang pagbibigay ng pension loan.