NANAWAGAN | MIAA, muling nagpaalala sa mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay lalo na ng armas sa paliparan

Manila, Philippines – Nanawagan muli ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa kanilang mga pasahero na huwag nang magdala ng mga ipinababawal na gamit tulad ng live ammunition at amulet.

Paliwanag ni miaa General Manager Ed Monreal, ito ay para maiwasan ang pagkaka-delay ng flights.

Aniya, patuloy na manghuhuli ang mga security personnel ng NAIA ng mga pasaherong magdadala ng baril at bala.


Magugunitang nakumpiska mula sa isang babae ang isang kalbre-38 baril matapos itong sumalang sa screening check point ng departure 6 ng NAIA terminal 3.

Facebook Comments