NANAWAGAN | National Youth Commission, hinimok ang mga kabataan na tumakbo para sa SK Elections

Manila, Philippines – Nanawagan ang National Youth Commission (NYC) sa mga kabataan na tumakbo sa Sangguaniang Kabataan (SK) elections dahil sa mababang bilang ng mga naghahain ng kandidatura.

Ayon kay NYC Commissioner Assistant Secretary Rhea Peñaflor, posibleng hindi masyadong nauunawaan ng mga kabataan ang anti-dynasty provision ng SK reform act.

Posible rin aniyang nag-aalangan ang iba dahil sa mandatory training na ibibigay sa mga mananalo.


Hindi kasi pauupuin sa puwesto ang hindi dadaan sa pagsasanay kahit sila ay nanalo sa botohan.

Una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na ipinagbabawal para sa mga tatakbo sa SK ang may “second civil degree” na kaanak na kasalukuyang nanunungkulan sa lalawigan, lungsod, bayan o barangay.

Dahil dito, posibleng hilingin ng NYC sa COMELEC na palawigin ang paghahain ng kandidatura para sa SK sakaling mababa pa rin ang bilang sa Biyernes na huling araw ng filling ng COC.

Facebook Comments