NANAWAGAN | NFA, umapela sa publiko na tigilan ang pag-imbak ng NFA rice para sa pansariling interes

Manila, Philippines – Umapela ang National Food Authority (NFA) sa publiko na tigilan ang pag-iimbak ng NFA rice para sa pansariling interes.

Ayon kay NFA Director Rex Estoperez, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang iba na makabili ng murang bigas.

Aniya, bumibili kasi ang ilang mamimili ng maraming kilo ng NFA rice at ibinebenta ito sa mas mahal na presyo kumpara sa Suggested Retail Price (SRP) na P27 hanggang P32.


Dahil dito, may ilang lugar na aniya ang naglilimita sa limang kilo kada tao na ibinebentang bigas.

Facebook Comments