Vice Ganda, may panawagan sa mga nag-aaway dahil sa COVID-19

239

Nanawagan ngayon ang un-kabogabol star na si Vice Ganda sa publiko kaugnay sa matinding pinagdaraanan ng ating bayan dahil sa COVID-19

Apela ni Vice, huwag na tayong mag away-away, lalong lalo na sa panahong ito dahil hindi ito makakatulong.


Wag na aniya tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling at wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pagmamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo.

Say ni Vice, ceasefire muna sa patalinuhan at pabobohan dahil naniniwala siya na lahat ay pareho lang ang intensyon sa bayan at yun ang makatulong sa sitwasyon.

Umapela din si Vice ng dasal upang matapos na ang krisis na ito sa buong mundo.

Kasabay nito, ilang kapwa artista ni Vice ang nag-paabot ng tulong para sa ating mga kababayan.



Kabilang dito sina Pia Campos, Matteo Guidicelli, Anton Capistrano at Bella Padilla.


Facebook Comments