NANAWAGAN | Oil excise tax sa ilalim ng TRAIN Law, nais ipatanggal ng isang mambabatas

Tuluyan ng pinatatanggal ni Marikina City 2nd District Representative Miro Quimbo ang excise tax sa langis na ipinataw sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito ay kahit suspendido ang ikalawang bahagi ng dagdag excise tax sa susunod na taon.

Ayon kay Quimbo, hindi niya babawiin ang inihain niyang House Bill 8171 na layuning i-repeal ang excise tax sa kerosene at diesel sa kabila ng patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.


Aniya, ang nasabing panukala ang isa sa mga nakikita niyang solusyon sa mabilis na inflation rate na dulot ng oil price increase.

Giit ni Quimbo, isusulong niya ang pag-apruba sa inihain niyang bill kahit pa ipatupad ang second tranche ng suspensyon sa excise tax increase sa fuel products.

Facebook Comments