NANAWAGAN | Paggunita ng All Saints at All Souls Day, huwag gawing katatakutan – CBCP

Manila, Philippines – Nananawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag gawing katatakutan ang paggunita ang Undas.

Ayon kay CBCP Episcopal on the Laity Chairperson, Bishop Broderick Pabillo – dapat makiisa sa mga sekular na gawain gaya ng pagdiriwang ng Halloween at pagsusuot ng mga nakakatakot na costume.

Ipinaliwanag ni Pabillo na malaki ang pagkakaiba ng Halloween sa All Saints at All Souls Day.


Ang Halloween ay selebrasyon ng kamatayan habang ang araw ng mga patay at kaluluwa ay selebrasyon ng mga buhay.

Umapela ang CBCP na gawin ang tama sa pamamagitan ng pag-alaala at pagdarasal para sa mga yumao.

Facebook Comments