NANAWAGAN | Pagsasara sa APO Cement Corporation, pinaaaksyunan

Nananawagan si Labor Committee Chairman Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment ( DOLE) at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng agarang aksyon sa ginawang pagpapasara sa APO Cement Corporation kung saan 400 empleyado ang pansamantalang nawalan ng trabaho.

Ayon kay Villanueva dapat ng agarang aksyon ng DOLE at DENR dahil papalapit na ang araw ng Kapaskuhan tiyak na apektado ang pamilya ng 400 manggagawa ng APO Cement Corporation.

Paliwanag ng senador dapat na asikasuhin na agad ng DOLE ang anumang assistance na maibibigay sa mga empleyado na apektado ng pansamantalang pagpapasara.


Ipinasara ng DENR ang naturang kumpanya matapos ang maganap ang landslide sa isa nitong tenement sites sa Barangay Tinaan, Naga City nitong buwan ng Setyembre.

Giit ni Villanueva sa DENR na agarang aksyunan ang Mandato nito para mabigyan agad ng solusyon ang usapin sa pansamantalang pagsasara ng APO Cement Corporation dahil maraming pamilya ang umaasa dito.

Dagdag pa ng senador na bilisan ng DOLE at ng DENR ang pag-aksyon sa mandato at maging aral na ang nangyaring insidente sa Boracay na kulang sa koordinasyon at huli ang pamamahagi ng government assistance sa mga naapektuhan ng pagsasara.

Kasabay nito nanawagan din si Villanueva sa DOLE na tiyakin na ang 400 empleyado ng APO Cement ay makakabalik sa kanilang mga trabaho sakaling simulan muli ang operasyon ng naturang kumpanya.

Facebook Comments