Manila, Philippines – Nananawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng anti-red tape authority czar.
Layunin ng apela ni Zubiri na mapabilis ang galaw ng mga transaksyon ng publiko sa gobyerno at proseso ng pagnenegosyo sa bansa.
Ito ang nakikitang solusyon ni Zubiri, sa mga sumbong ng maliliit na negosyante at kanilang mga organisasyon laban sa mga tiwali sa pamahalaan na umiipit sa kanilang mga transaksyon.
Ayon kay Zubiri, magiging trabaho ng anti-red tape czar at anti-red tape authority ang pagtugon sa mga reklamo ng red tape at pangongotong sa national at local government agencies.
Dagdag pa ni Zubiri, mandato din nito ang paghahain ng mga kaso sa Ombudsman at reklamo sa Civil Service Commission (CSC) laban sa mga lumalabag sa anti-red tape law.