NANAWAGAN | Pagtugon sa problema ng illegal Chinese workers sa Pilipinas, dapat maging maingat – PRRD

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na ‘careful’ approach sa isyu ng mga manggagawang Intsik na ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon sa Pangulo, nararapat lamang na ipa-deport ang mga illegal Chinese workers.

Pero iginiit din ng Pangulo na libu-libong Pilipino ang nasa China bilang turista at manggagawa.


Aniya, may mga Pilipino rin ilegal na natatrabaho sa Malaysia, Indonesia at South Korea.

Kung problema natin ang illegal foreign workers, ganito rin ang kinakaharap ng ibang bansa.

Napansin din ng Pangulo na wala siyang naiulat mula sa Chinese government na may Pilipinong ipina-deport sa ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Facebook Comments