Kasunod ng pananalasa ng bagyong Ompong partikular na sa northern Luzon na napuruhan ng bagyo.
Umaapela ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa may mga mabubuting loob para sa karagdagang tulong.
Sa pinakahuling datos umakyat na sa halos 60 na ang nasawi, marami pa ang napaulat na nawawala at maraming pamilya ang inilikas dulot ng pagbaha.
Ayon sa PRC maaaring tumawag kay Shervi Corpuz sa mga numerong (02) 790-2413 o (63 917) 834-8378 para sa cash o in kind donations.
Kasunod nito iniulat ng PRC na nagpadala na sila ng second “humanitarian caravan” sa Isabela at Cagayan.
Kasama dito ang isang WASAR(Water Search and Rescue) team, 1 pay loader, hot meal van na may dala ding 2,000 non-food items.
Facebook Comments