NANAWAGAN | PNP Chief Albayalde, nanawagan kina Ka Satur at iba pa na sumuko na lamang

Manila, Philippines – Iniutos na ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magpakalat na ng mga tauhan na magsisilbi sa warrant of arrest laban kina Ka Satur Ocampo, Liza Maza, Teddy Casiño at Rafael Mariano

Kasabay nito, nanawagan si PNP Chief Albayalde kina Ka Satur na huwag nang magtago at kusa na lamang isuko ang kanilang mga sarili dahil wala silang magagawa kundi ipatupad ang kautusan ng korte.

Kasabay nito, nangalampag naman ang mga militanteng grupo sa harap ng gate 2 ng Kampo Aguinaldo sa bahagi ng Boni Serrano.


Bitbit naman ng grupo ang mga placards na nagsasaad na political persecution ang pagpapaaresto sa mga dating miyembro ng Makabayan group sa Kamara.

Samantala, sa panayam ng DZXL, sinabi ni Atty. Rachel Pastores na inaalam pa niya ang balita na naaresto na si Ka Paeng Mariano.

Ito ay makaraang hindi na makontak ng kaniyang mga kasama ang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Facebook Comments