NANAWAGAN | PRRD, nanawagan sa mga taga-Cagayan na huwag umanib sa rebeldeng NPA

Cagayan – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-Cagayan na huwag umanib sa mga grupo ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang talumpati sa Sta. Ana, Cagayan, sinabi ni Pangulong Duterte na kapag ginawa nila ito ay hindi sila makakaahon sa hirap.

Sa halip ayon sa Pangulo, pagkatiwalaan na lang ang mga programa ng pamahalaan para sa kanilang ikabubuti.


Hinimok din ng Punong Ehekutibo na sumuko ang mga miyembro ng NPA sa Cagayan at nakahanda ang pamahalaan na bigyan ang mga ito ng tulong pinansyal at trabaho.

Pero kung magmamatigas aniya ang mga ito ay nakahanda rin naman siya na tapatan ito.

Aminado naman si Pangulong Duterte na mayroon pa ring korapsyon sa bansa.

Pero sa oras na mahuli niya ang mga ito ay hindi niya ito sasantohin dahil walang puwang ang mga iligal na aktibidad sa kanyang administrasyon.

Facebook Comments