Manila, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na direktang ipaabot sa gobyerno ang relief donations para sa mga biktima ng bagyo kaysa ipadala ito sa ilang TV network.
Ito ang suhestyon ng Pangulo matapos niyang masaksihan ang pangungupit ng supplies sa relief operation na ikinasa ng isang TV station.
Ayon kay Pangulong Duterte – lilinlangin lamang sila sa pamamagitan ng pag-donate ng mga damit at iba pang items habang magbibigay sila ng account number kung saan maaring mag-deposit ng donasyon.
Dagdag pa nito, nakita niya ang isang TV personnel na inaayos ang mga relief items at pinipili yung mga mapapakinabangan nila.
Mas mainam aniya na sa gobyerno o militar ang humawak at magpadala ng mga ibibigay na donasyon.
Facebook Comments