NANAWAGAN | Sahod ng mga guro at mga govt employees, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Isinusulong ni ACT Teachers Representative France Castro na dagdagan na ang sahod ng mga guro at government employees.

Ito ay kasunod ng mataas na inflation rate sa bansa na pumalo sa 6.4%.

Bukod dito may iba pang rehiyon sa bansa na nakapagtala ng mas mataas na inflation tulad sa Bicol region na 9%, ARMM na 8.1% Soccsksargen na 7.9%, Western Visayas na may 7.4%, Cagayan Valley at Davao region na may 7.1%, NCR na 7% at Ilocos Region na may 6.8% inflation rate.


Giit ni Castro, matagal nang nanawagan ng umento sa sahod ang mga guro at mga empleyado ng pamahalaan.

Aniya, ang kasalukuyang sweldo na natatanggap ng mga public school teachers at mga government employees ay hindi na nagkakasya sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Sinabi pa ni Castro na nadadagdagan lamang ang kanilang trabaho pero nananatiling mababa at lumiliit naman ang halaga ng kanilang sweldo.

Panahon na aniya para iprayoridad ng mga economic managers na ayusin ang krisis sa bansa na dulot ng mga anti-people policies ng gobyerno tulad ng TRAIN 1.

Facebook Comments