NANAWAGAN | SAP Bong Go walang inatasang mangalap ng pondo para sa halalan

Manila, Philippines – Nanawagan si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa publiko at maging sa mga tanggapan ng pamahalaan na huwag maniwala sa sinuman na gumagamit ng kanyang pangalan at nangangalap ng pondo para sa 2019 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Go sa harap na rin ng mga balita na mayroong gumagamit ng kanyang pangalan para makapanghingi ng pondo maging sa mga tanggapan ng pamahalaan para magamit umano sa kandidatura ng kalihim.

Ayon kay Secretary Go, kailan man ay wala siyang binibigyan ng authorization o inuutusaan na mangalap ng pondo para sa halalan.


Paliwanag ni Go, hindi naman siya kandidato kaya walang dahilan para gawin ito at pinanindigan din ni Secretary Go na wala siyang planong kumandidato dahil mas marami siyang natutulungan sa kanyang kasalukuyang trabaho.

Muli din namang nanawagan si Go sa kanyang mga supporters na baklasin na ang mga billboards kung saan makikita ang kanyang mukha at kung hindi ito ibaba ng kanyang mga supporters ay siya mismo ang magbabaklas ng mga ito.

Facebook Comments