NANAWAGAN | Sen. Gatchalian, umapela sa Pangulo na ituloy ang planong fuel tax hike suspension

Manila, Philippines – Umaapela si Senator Win Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy at huwag bawiin ang planong suspensyon sa unang bahagi ng taong 2019 ng dagdag buwis sa langis na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ayon kay Gatchalian, nakakagulat ang biglaang rekomendasyon economic managers na huwag ng ituloy ang planong suspensyon dahil sa bumababang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kaugnay nito ay pinaalala ni Gatchalian ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Energy noong October 24 kung saan tiniyak ng mga economic managers na matutuloy ang suspensyon kahit ano pa ang maging sitwasyon.


Giit ni Gatchalian, malalagay sa alanganin ang kredibilidad ng mga economic managers ng Pangulo sa oras na hindi nila ipatupad ang suspensyon ng excise tax sa langis na kanilang ipinangako.

Ipinunto ni Gatchalaian na bagaman at nakakatuwa ang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng langis ay hindi pa rin bumababa ang pamasahe at presyo ng mga bilihin bago ipatupad TRAIN Law kaya patuloy pa ring nahihirapan ang publiko.

Bago si Gatchalian, ay nauna ng nagpahayag ng pag-alma sa nabanggit na rekomengasyon ng economic managers sina Senators Sonny Angara, JV Ejercito at Bam Aquino.

Facebook Comments