Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin M. Drilon sa mababang kapulungan na ituloy na ang budget deliberations at itigil ang bantang reenacted budget sa 2019.
Ayon kay Drilon, hindi nakakatulong ang mga hakbang ng Kamara kontra sa isinusulong na cash-based budget para 2019.
Paliwanag ni Drilon, sa oras na hindi maipasa sa takdang panahon ang proposed 2019 budget ay magmumukhang mahina si Pangulong Rodrigo Duterte.
Diin pa ni Drilon, hindi pa nangyari at wala sa proseso ang plano ng House of Representatives na ibalik sa Malakanyang ang panukalang pambansang budget.
Giit ni Drilon, bahagi ng constitutional duty ng Senado at Kamara na ipasa ang taunang budget.
Facebook Comments