NANAWAGAN | Simbahan, pinamamadali na ang pagtatayo ng Disaster Response Department ng pamahalaan

Kasabay ng sunod-sunod na sama ng panahon naranasan sa bansa, nananawagan ngayon si Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng National Secretariat for Social Action, na madaliin na ng gobyerno ang pagbuo sa Disaster Response Department.

Ito ayon kay Fr. Gariguez, ay dahil kailangang- kailangan na, na mayroong isang departamento ang tututok sa disaster preparedness, mitigation at response.

Importante aniya ito, upang mayroong nagpo-provide ng consistent na training sa mga responders at upang makabuo ng mas maayos na polisiya sa pagtugon sa tawag ng pangangailangan.


Matatandaang, noong ikalong SONA ni Pangulong Duterte, una na nitong binganggit, ang pagnanais na makabuo ng Disaster Management Department.

Facebook Comments