NANAWAGAN | Teresita Ang-See, umapila sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na bigyang pahalaga ang mga Comfort Women sa bansa

Manila, Philippines – Umapila si Kaunlaran Inc. President Teresita Ang-See kina pangulong Rodrigo Duterte, DFA Secretary Allan Peter Cayetano, Manila Mayor Joseph Estrada, DPWH Secretary Mark Villar, at National Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante na bigyan ng pormal na pagkilala sa mga comfort women bilang bahagi ng National History.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni See na nanawagan sila sa naturang mga opisyal na itayo mula ang rebulto ng comfort woment sa mga pampublikong lugar na madaling makikita ng publiko.

Paliwanag ni Ang-See hindi dapat huwag magpapa-pressure ang ating mga lider ng sa gobyerno ng Japan kung saan umapila siya kay pangulong Duterte na ipaglaban ang dignidad ng ating bansa at huwag magpapadikta kahit kanino mang lider ng ibang bansa.


Giit ni Ang-See huwag hayaang ibaon sa limot ang kasaysayan kung saan umapila siya sa National Historical Commission of the Philippines na manguna sa mapayapang pagtipon-tipon sa mga Flowers for Lolas sa buong bansa na buhay pa upang hindi malibing sa limot ang kanilang masaklap na karanasan noon panahon ng Hapon.

Facebook Comments