Amerika – Ipinagmalaki ni U.S. President Donald Trump ang kanyang administrasyon.
Ito ay sa harap ng mga lider ng iba’t-ibang panig ng mundo sa ginanap na United Nations general assembly.
Ayon kay Trump, mas maraming natupad at natapos ang kanyang administrasyon kaysa sa mga nagdaang pamahalaan.
Pero tinawanan ito ng mga world leaders at foreign dignitaries.
Dinipensa rin ni Trump ang posisyon nito sa Iran at ang trade war nito sa China.
Isunusulong din ang diplomatic engagement nito sa North Korea.
Sa huli, nanawagan si Trump sa buong mundo na i-reject ang globalism.
Facebook Comments