Manila, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kristiyano na alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko.
Ayon sa CBCP, nagiging materialistic at nahaluan na ng komersyalismo ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa buong mundo.
Gayunman, ipinaalala nila na ang Pasko ay para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus na siya nating tagapagligtas.
Bukod sa paggastos, unawain sana ng mga tao na mag-balanse sa buhay at huwag kalimutan ang espiritwal na pamumuhay.
Hangad din ng simbahan na maipagdiwang ng mas makahulugan at malalim ng mga Pilipino ang Kapaskuhan at magkaroon din ng kapayapaan ang bansa.
Facebook Comments