Manila, Philippines – Tutukan muna ang mga problemang mas nakakaapekto lalo na sa mahihirap na pamilyang pilipino.
Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa harap ng pagtutok ng Administrasyong Duterte sa pagsusulong ng federalismo.
Sabi ng bise alkalde, mas maraming dapat asikasuhin ang pamahalaan gaya ng pagtaas sa mga presyo ng bilihin at ang mga nangyayaring patayan.
Bagama’t bukas siya na pag-aralan ang pagpapatupad ng federalismo, hindi pa rin daw dapat ito minamadali.
Facebook Comments