Nanay, 3 araw nagtago sa aparador habang hinahanap ng mga pulis

(Unsplash)

Sa takot na makulong ng 10 taon sa bilangguan, nagpanggap na patay na ang isang babae mula sa West Virginia, US na napag-alamang nagtatago lang pala sa aparador sa loob ng tatlong araw.

Linggo nang maiulat na nawawala si Julie Wheeler matapos sabihin ng kanyang asawa’t anak na nahulog umano ito sa tulay.

Dahil dito, nagsagawa ng malawakang searching operation ang mga pulis sa pamamagitan ng helicopters, sniffer dogs, rappellers, at diving crew searching.


Ayon sa report ng West Virginia Police, bilang parte umano ng paghahanap, kinakailangang magbigay ng warrant ang mga imbestigador para makuha ang cellphone at computer ni Wheeler.

Dito na nila nadiskubre na buhay at malakas ang ginang matapos ang tatlong araw na nagtatago lamang sa aparador sa kanilang bahay.

Agad inaresto si Wheeler at kanyang mister ng multiple charges gaya ng conspiracy and giving false information sa pulisya.

Kaugnay nito, napatunayang guilty sa “health care fraud” si Wheeler matapos itong mang-scam ng nasa $300,000 o (P14,961,600) noong Pebrero.

Humaharap siya sa 10 taong pagkakakulong at piyansa na mahigit sa $250,000 o (P12,468,000).

Facebook Comments