Nanay na namatayan ng sanggol 3 oras matapos manganak, ipinamigay ang sariling breastmilk

(Photo: Sierra Strangfeld Facebook)

Neillsville, Wisconsin – Pinili ng isang ina na i-pump ang kanyang breastmilk nang pumanaw ang kanyang anak 3 oras matapos itong isilang.

Nauwi sa labis na kalungkutan ang masaya sanang araw nang masurian ng isang kakaibang sakit ang anak na lalaki ni Sierra Strangfeld nang lumabas ito mula sa kanyang sinapupunan.

Mayroong sakit ang kaniyang sanggol na tinatawag na Trisomy 18, na kilala rin sa tawag na Edwards syndrome, isang genetic disorder na tumatama sa isa kada 6,000 tao.


Ito ay dulot umano ng sobrang chromosome 18 at walang lunas na makakapagpagaling sa ganitong klase ng kondisyon.

Ayon sa ulat, nang masurian ng malalang sakit ang bata, nagpasya si Sierra at kanyang asawa na mag-pump ng sariling breastmilk kahit na hindi ito mapupunta sa anak.

Ibinahagi niya sa Facebook post ang nai-pump na gatas na agad pumalo sa 3,600 shares at 13K reactions.

Aniya, “When I found out I was pregnant again, I wanted nothing more than to be successful at breastfeeding. But when we found out of Samuel’s diagnosis, I knew that was not going to happen. Just another hope that was taken from me.”

Ikinuwento rin niya na noong isinilang niya ang panganay na anak na babae, kinailangan nitong tumanggap ng donated milk sa loob ng anim na buwan.

“Before Samuel passed, I told myself I would pump my milk to donate. After all, Porter was given donated milk more than half of her first year of life!” saad niya.

Hindi man raw niya nailigtas ang buhay ng anak, ay maaaring mailigtas niya ang buhay ng ibang sanggol.

Samantala, nang mai-pump ang kanyang gatas, kanya itong idinala sa NICU milk bank.

Umani ng papuri ang naturang post at marami ang humanga sa ginawa ng ginang.

Facebook Comments