Nanay na nagpakamatay, nag-iwan ng password para mahanap ang suicide note sa kanyang cellphone

CHINA – Bago tumalon sa isang gusali, nag-iwan ng password ang 44-anyos na nanay mula United Kingdom para mabuksan ng mga pulis ang kanyang cellphone at mabasa ang kanyang suicide note.

Hulyo nakaraang taon nang magpakatiwakal si Gill Smith at gamit ang bangko na nilagay nito sa balkonahe ay tumalon siya mula ika-38 palapag ng gusali sa China kung saan sila nakatira.

“She had left the access codes to her phone so that somebody could look at the phone and the draft email on the phone,” ani police officer Colin Price.


Sa sulat ay humihingi lang daw ito ng tawad sa nangyari.

Ayon sa asawa nitong si Peter, hindi raw kailanman nabanggit ni Gill ang ganitong bagay noon.

Gayon pa man, napansin daw niya na tila may pinagdaraanan ang asawa dahil nahihirapan daw ito maging sa paggising sa umaga.

Napag-usapan din nila umano ang ilang kaso ng suicide sa Shanghai ilang araw bago mangyari ang insidente.

“She just got herself into a hole and I don’t think she meant it,” ani Peter.

Samantala, naitala ng korte sa South Manchester, UK na suicide ang pagkamatay ni Gill dahil na rin sa napakaraming sugat na natamo nito sa kanyang pagkahulog.

Sa kabila nito, naiulat na ang ginang ay mayroong masayang buhay sa China bago mangyari ang trahedya.

Facebook Comments