Nanay ng pinakamalaking pamilya sa Britain, ipinagbubuntis ang ika-22 anak

3663

Ibinunyag ng ina ng tinaguriang pinakamalaking pamilya sa Britain na buntis siya sa ika-22 na anak.

Sa isang YouTube video, ibinahagi ni Sue Radford, 44, at asawang si Noel, ang ultrasound scan ng paparating na bagong miyembro ng pamilya.


Sinabi noon ng mag-asawa mula sa Morecambe, Lancs, na hindi na nila susundan ang huling anak na isinilang noong 2018.

Ngunit ngayon, 15 linggo niya nang dinadala ang baby number 22 na hinihiling niyang maging lalaki.

Nagpatali na raw ang haligi ng pamilya noong ipinagbubuntis ni Sue ang ika-9 na anak pero ipinatanggal din nang maisip nilang gusto pa nila ng dagdag na miyembro.

Noong 2014, namatay ang ika-17 batang isinilang ng mag-asawa.

Bumukod na ang dalawang panganay at mayroon na ring apat na anak ang pinakamatandang babae.

Nakatira ang pamilya sa bahay na may 10 kuwarto na nabili nila noong 2004 sa halagang £240,000 o higit P16 milyon.

Kinukuha nila ang panggastos sa araw-araw mula sa panaderyang pagmamay-ari nila.

Sa 21 anak–15 ang nasa edad na nag-aaral at pababa–pinakamalaking hamon para sa ina ang bantayan ang mga pinakabata at maliliit.

Facebook Comments

From Advertisers