Bilang paggunita sa nalalapit na Araw ng mga Ina sa Linggo, May 10, muling mangalampag ang mga magulang na ang mga anak ay narekrut ng New People’s Army (NPA).
Bilang panimula sa kanilang aktibidad, iba’t ibang grupo ng mga kababaihan at mga magulang ang sumama ngayong araw kay Ginang Relisa Lucena na naghain ng writ of habeas corpus at writ of amparo sa Korte Suprema .
Ito’y upang hilingin na ibalik ng CPP-NPA-NDF ang kaniyang anak na si Alicia Lucena na umano’y nirekrut ng NPA sa pamamagitan ng kanilang front organizations
Tinawag ni ka-Remy Rosado, Presidente ng League of Parents of the Philippines, ang ginagawang recruitment ng NPA na higit na nakakatakot kaysa sa pandemyang COVID-19.
Ang gawaing recruitment ng mga kabataang rebeldeng grupo ang epidemya na patuloy na nagwawasak sa pundasyun ng pamilyang Pilipino at ng lipunan.
Nagkasa ng aktibidad ang grupo sa May 10 na may layuning hikayatin ang mga ina na makiisa sa kanilang panawagan na wakasan ang NPA recruitment.