Nanay ni Gerald, ayaw kay Bea noon pa man; pinayuhan si Julia na ‘wag ma-inlove sa anak

5699

Hindi na din napigilan ng nanay ni Gerald Anderson, na si Evangeline “Vangie” Opsima magbigay ng reaksyon hinggil sa kontrobersiyal na hiwalayan ng kaniyang anak at dating nobya nitong si Bea Alonzo.

Sa ulat ng “TV Patrol South Central Mindanao” kay Opsima nitong Biyernes, naglabas siya ng sama ng loob para sa batikang aktres.


“Hindi ka niya binastos kailanman. Kahit hindi niya alam… alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya,” giit ng ina ni Anderson.

“Ngayon, ito na lang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata. Lagi mong pinatatamaan ang anak ko,” dagdag pa niya.

Maliban kay Alonzo, binatikos din ni Opsima ang make-up artist ng Kapamilya star na nakikisawsaw rin umano sa gulo.

“Isa pa na hindi ko nagugustuhan, pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko. Hindi naman ako puwedeng manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV.”




Samantala, pinayuhan ni Opsima si Julia Barretto na huwag ma-inlove sa kaniyang supling.

“Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita, ‘no. Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa ‘yo”. 

Aniya, kung sakaling maging magkarelasyon sina Julia at Gerald, hindi magtatagal ang dalawa dahil pareho silang “nasa industriya”.

Facebook Comments