Nanay, patay sa saksak matapos umawat sa 2 lalaking nag-aaway

2765

Northamptonshire, England – Nasawi ang isang 25-anyos na nanay matapos masaksak habang inaawat ang dalawang lalaking nag-aaway sa kalsada, Sabado bandang 8:30 ng gabi.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Wellingborough Road, isang kilometro ang layo mula sa bahay ng biktima nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawang lalaki, parehong 27-anyos, matapos umano magbanggaan ang kanilang sasakyan.


Sinubukan daw umawat ng biktimang si Levi Devis sa dalawang lalaking magsasaksakan pa ayon sa kaibigan niyang hindi pinangalanan.

Saad nito, “She tried to get in the middle and she got stabbed.”

Ayon sa pulisya, nagtamo raw ng injury si Devis habang siya ay nasa labas ng sasakyan kaya siya nadawit sa eksena.

“What we don’t know is exactly what part the two vehicles had in this. We believe the perpetrators appear to be known to each other, she was a passenger,” ani Dennis Murray, ang pulis sa naturang lugar.

Inaalam din kung siya ay nagmamaneho sa mga oras na iyon, o ano ang naging dahilan ng naturang banggaan ng dalawang sasakyan.

Idineklarang dead on the spot ang biktima.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari kung saan hawak ngayon ng awtoridad ang dalawang lalaking sangkot sa insidente.

Arestado na ang isang lalaki ng ‘suspicion of murder’ samantalang ang isa ay kasalukuyang nasa ospital at humaharap din sa kaparehong kaso.

Labis naman ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima sa nangyari.

Facebook Comments