Nanay sa US, arestado nang may makitang bangkay ng bata sa loob ng aparador

1256
(Unsplash)

SOUTH CAROLINA, US – Hinuli ang 23-anyos na ina at ang kanyang 26-anyos na nobyo matapos makitaan ang loob ng kanilang tokador ng bangkay ng isang batang babae.

Inaresto noong Miyerkules sina Jackleen Elizabeth Mullen at Audrevious Jarrell Williams dahil sa pagkamatay ng 4-anyos na isang special child at napag-alamang sariling anak ni Mullen.


Ayon sa report, una nang iginiit ng dalawa na ang bata ay kasama umano ng kanilang pamilya sa North Carolina hanggang sa madiskubre ng awtoridad na nasa loob ito ng aparador at wala ng buhay.

Saad ng isang pulis, sa gitna raw ng imbestigasyon ay wala man lang kaemo-emosyon ang naturang ina ng bata.

Samantala, wala pang nailalabas na dahilan ng pagkasawi ng biktima ngunit nakitaan daw ito ng ilang sinyales ng trauma mula sa pamamalo at “respiratory distress”.

Hinablaan ng kasong “homicide by child abuse” ang dalawa at sakali umanong mapatunayan sa korte ang ginawang krimen ay haharap sila sa habambuhay na pagkabilanggo.

Facebook Comments