Nanay sa US, iniwan ang 2 anak sa sasakyan ‘para magpalinis ng kuko’

(Unsplash)

BALTIMORE, US – Arestado ang isang ginang matapos nitong iwan ang dalawang anak sa loob ng sasakyan para umano magpalinis ng kuko.

Sa report ng Baltimore County Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang bata noong Mayo 13 na agad naman nilang nirespondehan.

Natagpuan nila sa loob ng sasakyan ang 3-anyos na bata at 3-buwang-gulang nitong kapatid.


Agad umano nilang binasag ang bintana ng sasakyan para masagip ang dalawang paslit.

Samantala, nang hanapin ang ina ng dalawa ay natagpuan ito ng awtoridad sa loob ng isang nail salon habang nagpapalinis ng kuko.

Humaharap sa reklamong “two counts of misdemeanor for unattended chuild” ang ginang.

Facebook Comments