Nanay, sinuntok ng anak dahil umano sa itinagong toilet paper

353

Arestado ang isang 26-anyos lalaki matapos sapukin ang inang nakasagutan dahil sa toilet paper sa kanilang bahay sa California, USA.

Dinakip si Adrian Yan nitong Martes kasunod ng natanggap na tawag ng awtoridad tungkol sa insidenteng naganap bandang 3 a.m, ayon sa Santa Clarita Valley Sheriff’s Station, sa ulat ng Fox News.


Inakusahan umano ng lalaki ang kanyang nanay na nagtatago ng toilet paper na kasalukuyang nagkakaubusan sa lugar dahil sa coronavirus pandemic.

Nagkainitan ang mag-ina habang nagtatalo, na dahilan ng panununtok ni Yap, ayon kay Shirley Miller, tagapagsalita ng pulisya.

Kalaunan, umamin naman sa awtoridad ang nanay na itinatabi niya ang mga tissue dahil sobra-sobra raw gumamit nito ang kanyang anak.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Yan na nahaharap sa kasong battery.



Facebook Comments