NANDILIM ANG PANINGIN | Magkasintahan, patay matapos pagsasaksakin ni ex

Pampanga – Patay sa saksak ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang nobya sa Angeles City, Pampanga.

Sa imbestigasyon, iimbitahan sana ang biktimang si Donna Marie Fererras ng dati nyang kalive-in na si Michael Espinas para ipagdiwang sana ang kanilang anibersaryo kahit hiwalay na sila.

Gusto umano ng suspek na makasama ang biktima gayundin ang kanilang anak na apat na taong gulang.


Pero nang puntahan ni Espinas ang biktima, nakita niya ang kasalukuyang nobyo nito na si Christopher Dela Cruz.

Ayon sa imbestigador, bigla na lamang nagdilim ang paningin ng suspek at pinagsasaksak ang magkasintahan.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga otoridad na agad din rumesponde.

Nahuli naman ang suspek na nagtangka pang tumakas.

Facebook Comments