NANGAKO | Bagong Prime Minister ng Pakistan, nanumpa na

Pakistan – Nanumpa na bilang bagong Prime Minister ng Pakistan si Imran Khan.

Tinalo ng dating Cricket Star si Pakistan Muslim League-Nawaz President Shahbaz Sharif sa isinagawang eleksyon noong Hulyo.

Sa isinagawang botohan ng national assembly members, nakasungkit si Khan ng 176 votes habang 96 lamang ang nakuha ni Sharif.


Kabilang sa plataporma ni Khan ang anti-corruption campaign at paglaban sa kahirapan.

Facebook Comments