NANGAKO | Bagong tagapagsalita ng PNP, lalabanan ang fake news

Manila, Philippines – Nangako ang bagong tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na lalabanan niya ang fake news at mga propaganda sa kanyang unang araw sa trabaho.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Superintendent John Bulalacao, ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nila sa PNP kung paano lalabanan ang fake news.

Importante aniyang matulungan ang publiko sa pagtukoy kung ano ang mga lehitimong impormasyon at kung ano ang mga hindi totoo.


Siniguro din ni Bulalacao na bubuo sila ng mga hakbang para maging mas transparent pa ang PNP sa taong bayan.

Maglalabas anya sila ng mga accomplishment sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan.
Ang pagpapalit ng PNP Spokesperson ay bahagi ng reshuffle sa PNP matapos magretiro ang director ng PNP Aviation Security Group na si Chief Superintendent Sheldon Jacaban.

Facebook Comments