NANGAKO | Dating Chief Justice Sereno, patuloy na ipagtatanggol ang batas

Manila, Philippines – Nangako ang pinatalksik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na itutuloy niya ang pagtatanggol sa batas.

Ito ay matapos pagtibayan ng Korte Suprema ang kanyang quo warranto case laban sa kaniya.

Giit ni Sereno, hindi kailangan na maging punong mahistrado siya para idepensa ang konstitusyon.


Inakusahan rin ni Sereno ang Kamara ng panggigipit sa budget ng hudikatura kapalit ng paglabas ng mga dokumentong ginamit sa impeachment complaint laban sa kaniya.

Ayon kay Sereno, ipinadaan ang mensahe ni House Speaker Pantaleon Alvarez kina House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Justice Diosdado Peralta bago makarating kay Supreme Court Spokesperson Theodore Te.

Muli rin binatikos ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ay pinahina ang batas.

Si Sereno ang unang chief justice na tinanggal sa pwesto sa pamamagitan ng quo warranto.

Facebook Comments