NANGAKO | Mga hukom na nasa watchlist ng Pangulong Duterte, pai-imbestigahan ni Chief Justice Lucas Bersamin

286

Manila, Philippines – Nangako si Chief Justice Lucas Bersamin na paiimbestigahan niya ang mga huwes na kasama sa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bersamin, kahit kabaro niya o kasama sa hudikatura ang mga hukom ay hindi niya kukunsintihin ang mga ito.

nanindigan naman si Bersamin na hindi siya papayag na takutin o gipitin ang mga taga-hudikatura, lalo na kung walang basehan ang alegasyon.

Magugunitang ibinunyag kamakailan ng Pangulo na may mga huwes ang kabilang sa kanyang pinaiimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments