Nangako ang Palasyo ng Malacañang na makikita at malalaman ng publiko ang mga detalye ng mga agreements na nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China sa dalawang araw na State Visit ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.
Ito ay matapos magkaroon kahapon ng 29 na exchange of agreement sa pagitan ng Pilipinas at China na sinaksihan nila Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi kung saan kabilang dito ang Oil and Gas Exploration at iba pang larangan tulad ng infrastructure, humanitarian assistance at economy and finance .
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang Department of Foreign Affairs ang namamahala sa lahat ng dokumento at lahat ng detalye ng State Visit ni President Xi sa basa at abala pa ito sa mga mga naging aktibidad ng Pangulo ng China na umalis sa bansa kaninang tanghali.
Sinabi ni Panelo na sa oras na makumpleto na ang mga dokumento at maiayos na ang mga ito ay agad itong ialalabas sa media para maisapubliko ang mga ito at malaman ng mamamayan ang mga detalye ng mga napagkasunduan.
Matatandaan na hiniling nila Senador Antionio Trillanes IV at Senador Francis Pangilinan na isapubliko ng Malacanang ang Joint Oil Exploration agreement sa pagitan ng Pilipinas at China na ayon naman sa Malacanang ay masyado pang maaga.