Manila, Philippines – Sa opisyal na panunumpa ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Rey Leonardo Guerrero, ipinaalala nito sa kaniyang mga tauhan ang kanilang tungkulin bilang mga public servant, kung saan sinabi nito na, mas mataas na posisyon sa gobyerno ay mas mataas rin ang demand at inaasahan mula dito.
Naglatag si Guerrero ng 14- point agenda kung saan kabilang dito ang pagpapatibay ng kanilang organisasyon sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga bakanteng posisyon at pagtitiyak na nagagampanan ng lahat ng tauhan ang kanilang tungkulin.
Sinabi rin ni Guerrero na walang magiging puwang ang korapsyon at mga hindi nagtatrabahong empleyado sa kaniyang panunungkulan.
Matatandaang inappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guerrero bilang bagong pinuno ng MARINA, matapos itong mag retiro sa pagiging Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines noong Abril 24.