NANGAKO | Pagdurog sa ASG sa loob ng isang taon, ipinangako ng security officials

Manila, Philippines – Nagsagawa ng closed door briefing sa mga Senador ngayong araw ang mga security officials ng pamahalaan kaugnay sa hirit na mapalawig hanggang December 2019 ang Martial Law na umiiral sa buong Mindanao.

Pinangunahan ang briefing nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr., mga opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency at si Cabinet Sec. Carlo Alexie Nograles.

Ayon kay senate president pro tempore ralph recto, mapanghikayat sa mga sinabi ng security officials ang pangako na sa loob ng isang taon ay tatapusin nila ang Abu Sayyaf Group lalo na sa Sulu.


Sabi ni Recto, kaakibat din nito ang pagtiyak na papahinain ang New People’s Army o NPA habang umiiral ang batas militar.

Dagdag pa ni Recto, na kapag napagbigyan ng kongreso ang hiling nilang isang taon pang Martial Law extension sa Mindanao ay hindi na sila hihirit muli na ito ay mapalawig pa.

Facebook Comments