NANGAKO | Patas na pagdinig sa panukalang Cha-Cha, tiniyak ni Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Kiko Pangilinan na magiging patas siya sa pagdinig hinggil sa panukalang Charter Change o Chacha.

Ito ang ipinangako ni Pangilinan sa kabila ng mga agam-agam kontra sa Chacha na syang magbibigay daan sa pagpapalit sa porma ng Gobyerno patungong federalism.

Ayon kay Pangilinan, chairman lamang siya ng komite at kailangang bigyan ng konsiderasyon ang posisyon ng lahat ng kanyang miyembro sa pagpapasya.


Ang panukala para sa Cha-Cha ay inihain nina Senators Ralph Recto, Franklin Drilon, Juan Miguel Zubiri at Richard Gordon.

Habang inaasahan naman na ngayong linggo ay ihahain ni Senate President Koko Pimentel ang panukalang nagsusulong ng Federalism.

Facebook Comments