NANGAKO | PRRD, planong bigyan ng helicopter at firetrucks ang mga residente na nasunugan sa Jolo

Ipinangako ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente ng Jolo na pagkakalooban ng national government ng helicopter at fire trucks ang kanilang bayan.

Ito ang naging magandang balita ng Pangulong Duterte sa mga biktima ng sunog sa dalawang barangay kung saan nasa 2,600 na bahay ang natupok.

Iginiit ng Pangulo na kailangan nila ang mga ganitong uri ng kagamitan lalo na at malayo ang kanilang lugar sa lokal na pamahalaan.


Sa nasabing insidente, walong tao ang nasugatan habang 26,000 na mga residente ang nawalan ng tirahan.

Facebook Comments