NANGALAMPAG | Mga empleyado ng PLDT, muling sumugod sa CA

Manila, Philippines – Muling nangalampag sa bakuran ng Court of Appeals (CA) ang mga dating manggagawa ng PLDT na natanggal sa trabaho.

Inokupa ng daan-daang mga dating kontraktwal na empleyado ng PLDT ang kahabaan ng Maria Orosa Street sa Ermita, Maynila bilang suporta sa kanilang mga dating kasamahan na nawalan ng trabaho.

Mahigit sa isang oras na nagprograma ang mga ito kasama ang mga opisyal at miyembro ng Unyon na Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas o KMP.


Naghain ang KMP ng kanilang Motion for Reconsideration (MR) sa pinakahuling desisyon ng Appellate Court na Status Quo Ante Order na anila ay mistulang Temporary Restraining Order o TRO narin pabor sa PLDT.

Dahil dito, naniniwalanang grupo na lalong tatagal ang panahon para makakita ng kongkretong sagot ang mga apektadong manggagawa.

Facebook Comments